Sabado, Mayo 11, 2013
Huwebes, Mayo 9, 2013
Linggo, Mayo 5, 2013
Komiks ng Akedemya
Saan mo pinagkukuhanan ang impormasyon? Telebisyon, radyo, komputer, libro…komiks?
Sa larangan ng paaralaan, masasabi ba natin na may matututuhan ang mga estudyante sa pagkagamit at pagbasa ng komiks? Ang komiks ay isang anyo ng libangan na nasa uri ng mga guhit na larawan. Kasama ng impormasyon na nasa looban ng iba't ibang klaseng “speech bubble” na nagbibigay ng kabuuang ideaya, ito’y hindi kakayanin na ipagkaila na isa itong paraan ng pagaalam at paguunawa ng pagsalita at pagsulat ng wikang Filipino. Subalit, ukol sa pampaaralan at ng aking guro sa Filipino 14, hindi popular ang pagkagamit ng mga ito sapagkat nawawala raw ang aspektong pang akademya. Sa St. Paul College, Pasig (ang pinagtapusan kong paaralan sa haiskul) sa unang taon, o kaya “freshman year” ang aming pinagaralan na libro ay Ang Ibong Adarna, sa pagkatapos na taon, dito ko naman nabasa at natuklasan ang magkasintahan sina Florante at Laura. Pagkarating ng pangatlong at ikaapat na taon ng haiskul, pinagaraalan namin ang kadakilaan at ang mga iba't ibang gawain at libro ni Jose Rizal tulad ng El Filibusterismo at Noli Me Tangere. Nguinit may isa akong sekreto na gusto kong maibahagi sa aking mga mambabasa, hindi ako natuto sa pagbasa ng mga kapal na libro na ito. Librong lumalambas sa higit na dalawang daang pahina, kundi ako’y bumuli at nagbasa lamang ng komiks. Masnaintindihan ko ang komiks sapagkat ito’y (gaya ng sinabi ko kanina) mayroon ibat-ibang mga guhit na nagsisilbing daan sa paguunawa at mas mabuting pagkaintindi ng istorya. Hindi ko sinasabi na mali ang pagbasa ng librong ihinandog para sa mga estudyante, ang aking gusto maparating lamang ay ang komiks ay isang paraan ng pagtulong sa masmabuting pagunawa sa nilalaman ng kuwento.
Sabado, Mayo 4, 2013
Isang Pagsusulit!
Hindi
tunay na pagmamahal ang pag-ibig na makasarili. Ibig kong ibahagi sa mambabasa
ang dalawang makabuluhang situasyon na may parehong sukat ng importansya, ang
pagmahal sa pinanggalingan na bansa at ang pag-iibig sa kasintahang irog.
Subalit, kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na makapili lamang ng isa sa
dalawa, ano ang iyong hihirangin?
Isang kuwento
na ikinalulugod at ikinasisiya ko ay “Ang Lalaking Mangingibig” ni Macario
Pineda sapgkat ipinkakita sa istoryang ito ang langit ng isang pag-ibig. Sa pagsasalaysay
ng aking guro nito, masnabigyan pansin at importansya ang pagigigng babae.
Miski na hindi lantad sa paningin, sa simpleng paraan, nakikita pa rin ang
kahalagahan ng pag-ibig ni Julian kay Sita. Sa pagiging “assistant doctor” ni
Julian sa Maynila, gumawa siya ng paraan para makabalit sa probinsya at makatulong
sa kanyang bayan at ipagpatuloy ilaan ang sapat na panahon para kay Sita. Para
sa akin, ito ay ang tunay na pagmamahal at ito ay ang klaseng pag-ibig na gusto
ko para sa parating na panahon.
Sa
pagtalakay ng “Ang Lalaki Bilang Isang Bayani” na isinulat din Macario Pineda
sa klase ng Fil14, ang pagiging isang lalaki ay ang huwan na minimithi ng
marami. Gaanuman, ako’y nasindak ng
malaman ko na ang paggiging isang tunay na bayani ay hindi lamang sa pasasalita
ng Filipino (sapagkat ang mga taong hindi nakakasalita ng kanilang pambansang
wika ay ang mga tao lamang na hindi marunong magmahal ng kanilang bansa), pagtulong,
o kaya’t ang pagmamalaki ng kagandahan ng mga tanawin dito kung hindi ito ay
ang pagsasakripisyo ng mga nagbibigay aliw, kasayan at ang mga minamahal sa
buhay para sa ikabubuti ng karamihan na naninirahan sa bansa. Bilang isang
isang babae, ang unang pumasok sa isip ko, ay ang lalaki na mas bibigyan kahalagahan
at importansya ang lahat ng mga tao sa Pilipinas bago ang kanyang asawa o
kasintahan ay hindi tunay na mahal. Ibig sabihin, mauuna muna ang lahat, bago
ikaw? Sige, mahal yan… mas importante lang si kuya Bertong bakla gumagawa ng
buhok mo at si Tiya Nita na hindi niya pa nakikilala bago ikaw. Subalit sa
patuloy ng pagtalakay ng aking guro, naintindihan ko na ang tunay na pagmamahal
ay ang pagkaroon ng walang pag-iimbot na puso. Gaya ng librong “Unbearable
Lightness of Being” ni Milan Kundera, mas bigat ang responsibilidad ang binibigyan
natin para sa taong humahawak sa ating puso, ginagawa natin ang lahat para sila
ay maprotektahan (dibale na masaktan tayo wag lamang sila) at magibyan
kasayaahan. Ang hindi natin mabata o ang “unbearableness” nito ay ang hindi
pagkasigurado ng lahat. Hindi nga natin magarantiya ang makakapinsala sa atin
pano pa kaya ang minamahal natin sa buhay? Sa ganitong pag-iisip, kung tunay na
minamahal natin ang isang tao dapat rin natin siya maintindihan sapagkat ang pagmamahal
ay hindi makasarili.
Sa huli,
itatanong ko muli, kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na makapili lamang ng
isa sa dalawa, pagmahal sa bansang pinangalingan o ang pagmamahal sa kasintahan
anong iyong pipiliin? Isang Pagsusulit!
A. Pagmamahal sa Bansa.
B. Pagmamahal sa Irog.
Biyernes, Abril 26, 2013
Paraluman Editoryal
Ang Modernong Paraluman
"Kamukha mo si Paraluman, Noong tayo ay bata pa." Ang larawan na nasa itaas ay iginuhit ni LA Benitez kahapon para sa akin, siya ay ang aking pinakamatalik na kaibigan at ang pinakamalikhain at masining na artista na kilala ko sa Pilipinas. Nakakabighani ang kagandahan ni Paraluman, hangang ngayon sa modernong panahon, sikat at marami pang mga tao ay kumikilala sa kanya. Hindi talaga napapawi at nawawala ang kanyang mga "fans" (tulad ko) at mga sumasamba sa kanya. Ang letrato sa ibaba ay kinuha ni Joshua Avedillo noong Abril 26, 2013 sa Eastwood Walk of Fame.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)