HAY ANG KUWENTO NI BERTA: ANG KAHALAGAHAN NG PAGTULOG
“Lilinisan ko ang lungsod ng dapithapon at daratnan ang
daigdig ng dilim” –Tony Perez
Alas kuwatro ng umaga na at hindi pa nakakapagtulog si Berta
sapagkat siya’y dedikado, responsable, at nagbibigay halaga sa kanyang pag-aaral
para sa pagsusulit sa akounting na gaganapin bukas ng alasais ng gabi. Sa
pagsakop niya sa lahat ng mga kinakailangan gawin tulad ng pagdedebit at pagkekredit
ng mga kabuhayang gamit “assets”, mga utang ng kompanya “liabilities”, at
pagmamayari ng kompanya “owners equity”, hindi niya naramdaman sa daigdig ng
dilim ang liwanag ng buwan na patuloy na nawawala sa mabilis na paglipas ng
panahon. Dahil dito, ng makarating ng alas cinco ng umaga siya natulog ay
muli’y nagising para sa kanyang klase ng alas siete ng umaga. Ang hindi naabog
ni Berta ay ang kahalagahan ng pagtutulog ng maaga sapagkat ito ay ang takad at
pundasyon na makakapagsigurado ng pagkadevelop ng ating pag-iisip. Sabi nga na
ang pagtulog ay ang tumutulong para hindi mapawai kung hindi marekolekta at mas mabuting pagaalala ng
iba’t-ibang mga bagay. Bukod dito, ang pagtulog din ay napakaimportante
sapagkat masnabibigyan tayo ng abilidad para makapokus sa ating mga hinaharap
na problema sa isang pagsusulit.
Para sa lahat ng tao, 1/3 ng
buhay niya ay napupunta sa pagtulog at panaginip. Ang palaisipan ng panaginip
ay apektibo pa rin ang ating mga utak kapag tayo’y natutulog. Subalit sa
ganitong pamaraan, bakit hindi natin naaalala ang ating mga pinagiginipan? Sabi
ng aking guro sa Filipino 14 na ito ay supil sa dahilan na hindi handa ang
ating batid na isipan para malaman ang nilalaman nito. Isang mekina ng depensa
ang pagsupil ng ating mga panaginip sapagkat dito natin nararamdaman ang pagnanais
kung ano ang nagyayari sa looban ng ating isip pero sa parehong situasyong
natatakot din tayo malamaan ito. Minsan, sa pagaalala ng mga ating panaginip,
ito’y nagiging detrimental sa ating pang araw-araw na pamumuhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento