Sabado, Mayo 4, 2013

Isang Pagsusulit!


Hindi tunay na pagmamahal ang pag-ibig na makasarili. Ibig kong ibahagi sa mambabasa ang dalawang makabuluhang situasyon na may parehong sukat ng importansya, ang pagmahal sa pinanggalingan na bansa at ang pag-iibig sa kasintahang irog. Subalit, kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na makapili lamang ng isa sa dalawa, ano ang iyong hihirangin?

Isang kuwento na ikinalulugod at ikinasisiya ko ay “Ang Lalaking Mangingibig” ni Macario Pineda sapgkat ipinkakita sa istoryang ito ang langit ng isang pag-ibig. Sa pagsasalaysay ng aking guro nito, masnabigyan pansin at importansya ang pagigigng babae. Miski na hindi lantad sa paningin, sa simpleng paraan, nakikita pa rin ang kahalagahan ng pag-ibig ni Julian kay Sita. Sa pagiging “assistant doctor” ni Julian sa Maynila, gumawa siya ng paraan para makabalit sa probinsya at makatulong sa kanyang bayan at ipagpatuloy ilaan ang sapat na panahon para kay Sita. Para sa akin, ito ay ang tunay na pagmamahal at ito ay ang klaseng pag-ibig na gusto ko para sa parating na panahon. 

Sa pagtalakay ng “Ang Lalaki Bilang Isang Bayani” na isinulat din Macario Pineda sa klase ng Fil14, ang pagiging isang lalaki ay ang huwan na minimithi ng marami.  Gaanuman, ako’y nasindak ng malaman ko na ang paggiging isang tunay na bayani ay hindi lamang sa pasasalita ng Filipino (sapagkat ang mga taong hindi nakakasalita ng kanilang pambansang wika ay ang mga tao lamang na hindi marunong magmahal ng kanilang bansa), pagtulong, o kaya’t ang pagmamalaki ng kagandahan ng mga tanawin dito kung hindi ito ay ang pagsasakripisyo ng mga nagbibigay aliw, kasayan at ang mga minamahal sa buhay para sa ikabubuti ng karamihan na naninirahan sa bansa. Bilang isang isang babae, ang unang pumasok sa isip ko, ay ang lalaki na mas bibigyan kahalagahan at importansya ang lahat ng mga tao sa Pilipinas bago ang kanyang asawa o kasintahan ay hindi tunay na mahal. Ibig sabihin, mauuna muna ang lahat, bago ikaw? Sige, mahal yan… mas importante lang si kuya Bertong bakla gumagawa ng buhok mo at si Tiya Nita na hindi niya pa nakikilala bago ikaw. Subalit sa patuloy ng pagtalakay ng aking guro, naintindihan ko na ang tunay na pagmamahal ay ang pagkaroon ng walang pag-iimbot na puso. Gaya ng librong “Unbearable Lightness of Being” ni Milan Kundera, mas bigat ang responsibilidad ang binibigyan natin para sa taong humahawak sa ating puso, ginagawa natin ang lahat para sila ay maprotektahan (dibale na masaktan tayo wag lamang sila) at magibyan kasayaahan. Ang hindi natin mabata o ang “unbearableness” nito ay ang hindi pagkasigurado ng lahat. Hindi nga natin magarantiya ang makakapinsala sa atin pano pa kaya ang minamahal natin sa buhay? Sa ganitong pag-iisip, kung tunay na minamahal natin ang isang tao dapat rin natin siya maintindihan sapagkat ang pagmamahal ay hindi makasarili.

Sa huli, itatanong ko muli, kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na makapili lamang ng isa sa dalawa, pagmahal sa bansang pinangalingan o ang pagmamahal sa kasintahan anong iyong pipiliin? Isang Pagsusulit!

A.    Pagmamahal sa Bansa.
B.    Pagmamahal sa Irog.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento