Saan mo pinagkukuhanan ang impormasyon? Telebisyon, radyo, komputer, libro…komiks?
Sa larangan ng paaralaan, masasabi ba natin na may matututuhan ang mga estudyante sa pagkagamit at pagbasa ng komiks? Ang komiks ay isang anyo ng libangan na nasa uri ng mga guhit na larawan. Kasama ng impormasyon na nasa looban ng iba't ibang klaseng “speech bubble” na nagbibigay ng kabuuang ideaya, ito’y hindi kakayanin na ipagkaila na isa itong paraan ng pagaalam at paguunawa ng pagsalita at pagsulat ng wikang Filipino. Subalit, ukol sa pampaaralan at ng aking guro sa Filipino 14, hindi popular ang pagkagamit ng mga ito sapagkat nawawala raw ang aspektong pang akademya. Sa St. Paul College, Pasig (ang pinagtapusan kong paaralan sa haiskul) sa unang taon, o kaya “freshman year” ang aming pinagaralan na libro ay Ang Ibong Adarna, sa pagkatapos na taon, dito ko naman nabasa at natuklasan ang magkasintahan sina Florante at Laura. Pagkarating ng pangatlong at ikaapat na taon ng haiskul, pinagaraalan namin ang kadakilaan at ang mga iba't ibang gawain at libro ni Jose Rizal tulad ng El Filibusterismo at Noli Me Tangere. Nguinit may isa akong sekreto na gusto kong maibahagi sa aking mga mambabasa, hindi ako natuto sa pagbasa ng mga kapal na libro na ito. Librong lumalambas sa higit na dalawang daang pahina, kundi ako’y bumuli at nagbasa lamang ng komiks. Masnaintindihan ko ang komiks sapagkat ito’y (gaya ng sinabi ko kanina) mayroon ibat-ibang mga guhit na nagsisilbing daan sa paguunawa at mas mabuting pagkaintindi ng istorya. Hindi ko sinasabi na mali ang pagbasa ng librong ihinandog para sa mga estudyante, ang aking gusto maparating lamang ay ang komiks ay isang paraan ng pagtulong sa masmabuting pagunawa sa nilalaman ng kuwento.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento