Sabado, Mayo 11, 2013

HAY ANG KUWENTO NI BERTA: ANG KAHALAGAHAN NG PAGTULOG


“Lilinisan ko ang lungsod ng dapithapon at daratnan ang daigdig ng dilim” –Tony Perez


          Alas kuwatro ng umaga na at hindi pa nakakapagtulog si Berta sapagkat siya’y dedikado, responsable, at nagbibigay halaga sa kanyang pag-aaral para sa pagsusulit sa akounting na gaganapin bukas ng alasais ng gabi. Sa pagsakop niya sa lahat ng mga kinakailangan gawin tulad ng pagdedebit at pagkekredit ng mga kabuhayang gamit “assets”, mga utang ng kompanya “liabilities”, at pagmamayari ng kompanya “owners equity”, hindi niya naramdaman sa daigdig ng dilim ang liwanag ng buwan na patuloy na nawawala sa mabilis na paglipas ng panahon. Dahil dito, ng makarating ng alas cinco ng umaga siya natulog ay muli’y nagising para sa kanyang klase ng alas siete ng umaga. Ang hindi naabog ni Berta ay ang kahalagahan ng pagtutulog ng maaga sapagkat ito ay ang takad at pundasyon na makakapagsigurado ng pagkadevelop ng ating pag-iisip. Sabi nga na ang pagtulog ay ang tumutulong para hindi mapawai kung hindi  marekolekta at mas mabuting pagaalala ng iba’t-ibang mga bagay. Bukod dito, ang pagtulog din ay napakaimportante sapagkat masnabibigyan tayo ng abilidad para makapokus sa ating mga hinaharap na problema sa isang pagsusulit.


          Para sa lahat ng tao, 1/3 ng buhay niya ay napupunta sa pagtulog at panaginip. Ang palaisipan ng panaginip ay apektibo pa rin ang ating mga utak kapag tayo’y natutulog. Subalit sa ganitong pamaraan, bakit hindi natin naaalala ang ating mga pinagiginipan? Sabi ng aking guro sa Filipino 14 na ito ay supil sa dahilan na hindi handa ang ating batid na isipan para malaman ang nilalaman nito. Isang mekina ng depensa ang pagsupil ng ating mga panaginip sapagkat dito natin nararamdaman ang pagnanais kung ano ang nagyayari sa looban ng ating isip pero sa parehong situasyong natatakot din tayo malamaan ito. Minsan, sa pagaalala ng mga ating panaginip, ito’y nagiging detrimental sa ating pang araw-araw na pamumuhay. 

Linggo, Mayo 5, 2013

Komiks ng Akedemya


         Saan mo pinagkukuhanan ang impormasyon? Telebisyon, radyo, komputer, libro…komiks? 
    
         Sa larangan ng paaralaan, masasabi ba natin na may matututuhan ang mga estudyante sa pagkagamit at pagbasa ng komiks? Ang komiks ay isang anyo ng libangan  na nasa  uri ng mga guhit na larawan. Kasama ng  impormasyon na nasa looban ng  iba't ibang klaseng “speech bubble”  na nagbibigay ng kabuuang ideaya, ito’y hindi kakayanin na ipagkaila na isa itong paraan ng pagaalam at paguunawa ng pagsalita at pagsulat ng wikang Filipino. Subalit, ukol sa pampaaralan at ng aking guro sa Filipino 14, hindi popular ang pagkagamit ng mga ito sapagkat nawawala raw ang aspektong pang akademya. Sa St. Paul College, Pasig (ang pinagtapusan kong paaralan sa haiskul) sa unang taon, o kaya “freshman year” ang aming pinagaralan na libro ay Ang Ibong Adarna, sa pagkatapos na taon, dito ko naman nabasa at natuklasan ang magkasintahan sina Florante at Laura. Pagkarating ng pangatlong at ikaapat na taon ng haiskul, pinagaraalan namin ang kadakilaan at ang mga iba't ibang gawain at libro ni Jose Rizal tulad ng El Filibusterismo at Noli Me Tangere. Nguinit may isa akong sekreto na gusto kong maibahagi sa aking mga mambabasa, hindi ako natuto sa pagbasa ng mga kapal na libro na ito. Librong lumalambas sa higit na dalawang daang pahina, kundi ako’y bumuli at nagbasa lamang ng komiks. Masnaintindihan ko ang komiks sapagkat ito’y (gaya ng sinabi ko kanina) mayroon ibat-ibang mga guhit na nagsisilbing daan sa paguunawa at mas mabuting pagkaintindi ng istorya. Hindi ko sinasabi na mali ang pagbasa ng librong ihinandog para sa mga estudyante, ang aking gusto maparating lamang ay ang komiks ay isang paraan ng pagtulong sa masmabuting pagunawa sa nilalaman ng kuwento. 

Sabado, Mayo 4, 2013

Isang Pagsusulit!


Hindi tunay na pagmamahal ang pag-ibig na makasarili. Ibig kong ibahagi sa mambabasa ang dalawang makabuluhang situasyon na may parehong sukat ng importansya, ang pagmahal sa pinanggalingan na bansa at ang pag-iibig sa kasintahang irog. Subalit, kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na makapili lamang ng isa sa dalawa, ano ang iyong hihirangin?

Isang kuwento na ikinalulugod at ikinasisiya ko ay “Ang Lalaking Mangingibig” ni Macario Pineda sapgkat ipinkakita sa istoryang ito ang langit ng isang pag-ibig. Sa pagsasalaysay ng aking guro nito, masnabigyan pansin at importansya ang pagigigng babae. Miski na hindi lantad sa paningin, sa simpleng paraan, nakikita pa rin ang kahalagahan ng pag-ibig ni Julian kay Sita. Sa pagiging “assistant doctor” ni Julian sa Maynila, gumawa siya ng paraan para makabalit sa probinsya at makatulong sa kanyang bayan at ipagpatuloy ilaan ang sapat na panahon para kay Sita. Para sa akin, ito ay ang tunay na pagmamahal at ito ay ang klaseng pag-ibig na gusto ko para sa parating na panahon. 

Sa pagtalakay ng “Ang Lalaki Bilang Isang Bayani” na isinulat din Macario Pineda sa klase ng Fil14, ang pagiging isang lalaki ay ang huwan na minimithi ng marami.  Gaanuman, ako’y nasindak ng malaman ko na ang paggiging isang tunay na bayani ay hindi lamang sa pasasalita ng Filipino (sapagkat ang mga taong hindi nakakasalita ng kanilang pambansang wika ay ang mga tao lamang na hindi marunong magmahal ng kanilang bansa), pagtulong, o kaya’t ang pagmamalaki ng kagandahan ng mga tanawin dito kung hindi ito ay ang pagsasakripisyo ng mga nagbibigay aliw, kasayan at ang mga minamahal sa buhay para sa ikabubuti ng karamihan na naninirahan sa bansa. Bilang isang isang babae, ang unang pumasok sa isip ko, ay ang lalaki na mas bibigyan kahalagahan at importansya ang lahat ng mga tao sa Pilipinas bago ang kanyang asawa o kasintahan ay hindi tunay na mahal. Ibig sabihin, mauuna muna ang lahat, bago ikaw? Sige, mahal yan… mas importante lang si kuya Bertong bakla gumagawa ng buhok mo at si Tiya Nita na hindi niya pa nakikilala bago ikaw. Subalit sa patuloy ng pagtalakay ng aking guro, naintindihan ko na ang tunay na pagmamahal ay ang pagkaroon ng walang pag-iimbot na puso. Gaya ng librong “Unbearable Lightness of Being” ni Milan Kundera, mas bigat ang responsibilidad ang binibigyan natin para sa taong humahawak sa ating puso, ginagawa natin ang lahat para sila ay maprotektahan (dibale na masaktan tayo wag lamang sila) at magibyan kasayaahan. Ang hindi natin mabata o ang “unbearableness” nito ay ang hindi pagkasigurado ng lahat. Hindi nga natin magarantiya ang makakapinsala sa atin pano pa kaya ang minamahal natin sa buhay? Sa ganitong pag-iisip, kung tunay na minamahal natin ang isang tao dapat rin natin siya maintindihan sapagkat ang pagmamahal ay hindi makasarili.

Sa huli, itatanong ko muli, kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na makapili lamang ng isa sa dalawa, pagmahal sa bansang pinangalingan o ang pagmamahal sa kasintahan anong iyong pipiliin? Isang Pagsusulit!

A.    Pagmamahal sa Bansa.
B.    Pagmamahal sa Irog.